Pagpapakilala sa Panauhing Tagapagsalita

          Sa ating minamahal na tagamasid pampurok, Dr. Neriza Fanuncio, sa ating masipag na punong-guro, Dr. Edna T. Gomez, mga iginagalang na kapitan, Kapitan Rodrigo San Juan ng Poblacion I, Kapitan Aaron Peña ng Poblacion II, Kapitan Henry Ignacio ng Nagbalon, mga kaguro, mga magulang, at mga mag-aaral, isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat.
          Isang malaking karangalan para sa akin ang maatasan na magpakilala sa inyo ng ating panauhing tagapagsalita, siya po ay isang inspirasyon para sa ating mga kabataan dahil sa kanyang mga nagawa na at narating na sa kanyang murang edad. Siya po ay anak ng isang dating guro dito sa Paaralang Sentral ng Marilao na si Gng. Aurelia J. Naguit at ang kanyang ama ay isa rin pong guro si G. Virginio Naguit.
          Siya po ay nagtapos ng elementarya dito sa Paaralang Sentral ng Marilao taong 1993 at ng Sekondarya sa St. Paul College of Bocaue taong 1997. Noong siya ay nasa sekondarya, nakatanggap siya ng dalawang award, Math Wizard at Meritorious Award. Kumuha siya ng kursong Bachelor of Science in Commerce major in Banking and Finance, college scholar po siya ng apat na taon sa Centro Escolar University, Manila. Isa siyang Dean's Lister mula taong 1997-2001 at Meritorious Scholastic Awardee mula taong 1997-2001.
         Naging clearing processor, teller at senior teller ng United Coconut Planters Bank sa loob ng labintatlong taon. Naging president ng Congregacion De Las Hijas De Maria De Marilao San Miguel Archangel Parish taong 2007, 2016-Junior Chamber International (JCI) Marilao Marilag as Board of Director for Community, 2017- Junior Chamber International (JCI ) Marilao Marilag as Board of Director for International at kasalukuyang Junior Assistant Manager ng Security Bank Corporation, Malinta Paso de Blas Branch.
         Malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang ating panauhing tagapagsalita Bb. Milena Niña Juliano Naguit.

Comments

Popular posts from this blog

Quiz on Separating Mixtures I